Pormal nang sinimulan ni Sen. Pacquiao ang debate sa pagbabalik ng Death Penalty.

ADVERTISEMENT

Manila, Philippines – Pormal nang sinimulan ni Senador Manny Pacquiao ang debate sa pagbabalik ng death penalty sa ating bansa para sa mga drug traffickers at manufacturers na unti-unting sumisira sa ating kabataan.

Sa kanyang anim na pahinang privilege speech, sinabi ni Pacaquiao na layunin ng Senate Bill No. 189 or an Act Imposing Death Penalty and Increased Penalties on certain Heinous Crimes which involves Manufacturing and Trafficking of Dangerous Drugs, Amending for the Purpose Other Special Penal Laws and For Other Purposes, na tuluyan nang wakasan ang pagkakalat ng droga sa bansa.

“Mr. President, I can cite Bible verses to support my stand, but let me make this very clear: the focus of our debate on the reimposition of death penalty should be on the basis of its constitutionality,” ayon kay Pacquiao.

Bukod kay Pacquiao, naghain din ng kani-kanilang bersiyon sina Senador  Panfilo Lacson, Christopher Lawrence “Bong” Go aT Ronald Dela Rosa ng naturang panukala.

“I firmly believe that the government has been given the authority to rule over our people. As a Christian, I subscribe to what the Bible says about submission to governing authorities,” aniya.

Sinabi pa ni Pacquiao na hindi nilusaw ng 1987 Constitution ang death penalty.

“Kung babalikan natin ang naging deliberasyon ng mga miyembro ng 1986 Constitutional Commission, malinaw ang kanilang naging consensus: ipaubaya na lamang sa lehislatura ang desisyon kung pahihintulutan o ipagbabawal ang pagpataw ng parusang kamatayan,” aniya.

Ipinaliwanag pa ni Pacquaio na inireserba ng Saligang Batas ang imposisyon ng capital punshiment sa mga krimen na masyadong nakakarimarim sa isang lipunan tulad ng droga.

“This means after the requirements of due trial and exhaustive review are complied with, death penalty may be imposed by the authority with jurisdiction on certain offenses which, based on good faith and best judgment of Congress had qualified as heinous crimes,” giit ni Pacquiao.

“Thus, Section 19, Article 3 of the 1987 Constitution now reads, and I quote: “Excessive fines shall not be imposed, nor cruel degrading or inhuman punishment inflicted. Neither shall death penalty be imposed, unless, for compelling reasons involving heinous crimes the Congress hereafter provides for it,” ayon pa sa senador. Ernie Reyes

Facebook Comments