Pagkatapos ng termino ni Pangulong Duterte, ano ang mangyayari sa serbisyo ng Malasakit Centers?

ADVERTISEMENT

Manila, Philippines – Magpapatuloy ang serbisyo ng mga Malasakit Center sa buong bansa kapag tapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte.

Sa kanyang pangunguna sa launching ng Malasakit Center sa Naga city, sinabi ni Senador Bong Go na ito ang layunin ng isa sa mga unang senate bill na kanyang  isinulong na hindi maputol ang mas pinabilis at pinadaling health services sa sambayanan.

Ayon kay Go, sa ilalim ng Malasakit Center ay nagsama-sama na sa iisang tanggapan ang mga kinatawan ng DOH, DSWD, PhilHealth, PAGCOR at PCSO na nilalapitan ng mga tao kapag nangangailangan ng medical assistace.

Kaugnay nito ay siniguro ni Go na handa siyang umalalay at tumulong  kung ano pa ang pangangailangan ng  ospital sa Naga City.

Ito na ang ika-39 na Malasakit Center na naitatag ng Duterte administration sa pangunguna ni Go kung saan unang sinimulan ito sa Davao City.

Samantala, sinabi ni Go na bilang chairman ng Senate Committee on Health ay gagawin niya ang lahat upang masigurong magagamit ng DOH ang kanilang pondo sa tama at maibalilk sa taumbayan ang kanilang buwis. Kris Jose

Facebook Comments