IIMBESTIGAHAN NG 18th CONGRESS. PHP 365 Million na gamot sa DOH, masasayang lang?

ADVERTISEMENT

Manila, Philippines – Pinaiibestigahan na ng mga kongresista ang Department of Health dahil sa overstocking ng gamot na nagkakahalaga ng P365 milyon na ngayon ay expired na at mag-e-expired na.

Si Anakalusugan Rep. Michael Defensor ay naghain na rin ng House Resolution 145 na humihikayat sa House committee on Health na alamin ang report ng Commission on Audit (COA) report na ang DOH ay nagtago ng gamot sa mga nagdaang panahon na nauwi sa expiration.

“We must stress that officials trusted with public resources are duty-bound to see to it that these supplies are used efficiently for the public good and benefit, and not just left to spoil away,” ani Defensor.

Umaasa ang kongresista na ang kasong ito ay hindi naman katulad sa sobrang dami ng pinamiling gamut ngunit hindi naman naipamigay at nagamit upang bigyang daana ng mga produkto ng malalaking pharmaceutical company.

“Negligence in the management of perishable inventories, especially life-savings drugs, is unacceptable, considering that many poor Filipinos desperately need these medicines.”

Ayon sa mambabatas, ang DOH as of Dec. 31, 2018 ay may P18.449 bilyong halaga ng gamot mula 2015 hanggang 2018 ang naipamahagi ng gobyerno sa mga pampublikong pagamutan at health centers.

Batay sa naunang ulat ng COA, may mga natagpuang gamot na malapit nang ma-expire sa mga bodega ng DOH sa January 31, 2019.

Naunang iginiit ni House deputy majority leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy sa National Bureau of Investigation na siyasatin at kasuhan ang mga nagpabaya.

“Madaling malalaman kung sino ang mga salarin at responsable dahil mayroon dapat paper trail at electronic trail ang mga imbentaryo. Makikita kung sinong mga opisyal at kaninong mga opisina ang responsible.” Meliza Maluntag

Facebook Comments