IBALIK ANG DENGVAXIA. “… Let the people choose, people are dying right and left…” — Rep. Janette Garin

ADVERTISEMENT

Manila, Philippines – Hiniling ni dating Health secretary at ngayon ay Iloilo 1st District Janette Garin sa gobyerno na i-lift na ang ban sa dengue vaccine na Dengvaxia kasunod ng nararanasang dengue outbreak sa iba’t ibang panig ng bansa.

Matatandaang pinagbawal ng gobyerno bandang papatapos na ng 2017 ang pagbebenta ng Dengvaxia na ginagamit sa immunization program ng mga batang estudyante matapos na aminin ng Sanofi, ang kumpanyang gumawa sa Dengvaxia, na mas nakakasama pa ito sa mga batang naturukan na hindi pa nagka-dengue.

Ani Garin na ang dengue vaccine ay isa sa kinakailangang gamot ayon sa World Health Organization kaya kailangan o obligado ang gobyerno na magkaroon nito para sa publiko.

Paglilinaw naman ni Garin na dapat ay magkaroon ng karapatang mamili ang publiko sa usaping ito. Isa pa ang tinutulak niyang pagbabalik ng Dengvaxia ay para lamang sa mga dati nang nabiktima ng Dengue ayon sa isang interview nito sa radyo.

“But we cannot impose the belief of one side to the whole community. Let the people choose. People are dying right and left. We are sacrificing lives of our people. We have to go to the middle ground, respect the belief of each doctor and each patient and we now go back to the real specialists,” dagdag pa ni Garin.

Nakatakda naman magsumite ang Public Attorney’s Office sa korte ng matibay na proyeba na nagsasabing ilang mga kabataan ang namatay matapos naumanoy maturukan ng Dengvaxia.

Si Garin kasama ang ilan pang opisyal sa Aquino administration ay nahaharap sa kaso.

21 bansa naman kabilang ang US sa patuloy na gumagamit ng kontrobersyal na Dengvaxia.

Facebook Comments