BREAKING NEWS: Davao Rep. Pulong Duterte at Manila Mayor Isko Moreno, magsasanib pwersa sa NUP?

ADVERTISEMENT

Inaasahan na umanong mailuluk­lok sa puwesto sina House Deputy Speaker Paolo Duterte at Manila Mayor Isko Moreno sa liderato ng National Unity Party (NUP), ayon kay Deputy Speaker Roberto Puno.

Ayon kay Puno, isa sa mga stawart ng NUP at kapatid ni datin­g Inte­rior Sec. Ronaldo puno na nais nilang bigyan ng puwesto sina Duterte at Isko sa partido.

“We would like him (Duterte) to do… the same as with Mayor Moreno” sabi ni Puno.

Natakda ngayong araw ang ge­neral assembly ng NUP kung saan saan pipili ang mga miyembro nito ng bagong set of officers matapos ang matagumpay na kampanya sa nakalipas na mid-term elections

Sa nasabing pagtitipon, ipakiki­lala angmga bagong breed ng mga politiko sa pangunguna ng Davao City solon at ng bagong alkalde ng Maynila.

Ayon kay House Deputy Secretary-General Brian Yamsuan, deputy secretary-general ng NUP na pinag-aaralan nila kung naayon sa kanilang panuntunan na bigyan ng key position si Duterte bilang isang honorary member.

“We will review our by-laws and look at it. Siguro, by tomorrow we will give specific answer on that,” said Yamsuan.

“There is a good possibility” Pre­sident Rodrigo Duterte’s eldest son may succeed him as the president of the party—and he don’t think “there is any violation of the party Charter,” sabi naman ni dating NUP Pre­sident at re-elected Capiz Rep. Fredenil Castro.

Posible umanong maging full fledge NUP member si Duterte na mula sa Hugpong sa Tawong Lungsod na itinatag nito, sa pagpupulong ngayong araw sa Quezon City.

Samantala, maagap na kinontra ni Deputy Speaker Roberto Puno ang espekulasyon ng si Deputy Speaker Paolo Duterte ang susunod na uupong House Speaker.

“Paolo Duterte as Speaker? That’s your speculation. I’ve never heard any of that,” sabi ni Puno.

Inaasahan din ang pagtalon sa NUP ng may 30 kapartido ni Pangulong Duterte sa ruling party PDP Laban. (JC Cahinhinan)

Facebook Comments