BREAKING NEWS: Dahilan ng pagpapatigil ng PCSO STL, Peryahan ng Bayan, ibinunyag na ni Pangulong Duterte!

ADVERTISEMENT

Manila, Philippines – Dahil sa kinukupit at hindi pagre-remit sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng lahat ng kinikita ng small town lottery o STL at Peryahan ng Bayan ang dahilan kung bakit ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang operasyon ng mga ito.

Ayon sa Chief Executive, ninanakaw ang kita at kakaunti lamang ang iniintrega sa PCSO kaya ito ang nagbunsod sa kanya na ipatigil ang operasyon ng mga nabanggit na online gaming.

Sobra na aniyang talamak ng katiwalian sa pamahalaan kaya sinisikap niya na matigil ito sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“STL, Peryahan ng Bayan. P***** — puro nakaw. Ang i-remit nila minus ‘yung kinukunan na nila so I had to stop it,” ayon kay Pangulong Duterte.

Ito aniya ang dahilan kung bakit minsan ay naiisip na niyang magbitiw sa puwesto dahil hindi niya masawata ang talamak na katiwalian sa gobyerno na aniya ay sagad na sa buto sa sobrang korapsiyon sa burukrasya.

“Ang corruption talaga — sabi ko nga eh, have you ever heard me say that gusto ko nang mag-resign kasi hindi ko mahabol ang corruption. I thought I could, but you know corruption has permitted government itself. Sinabi ko it’s corrupt to the core and it is right now,” aniya pa rin.

Kaya ang apela ng Pangulo sa mga bagong opisyal na tulungan siyang maalis ang korapsiyon at maging tapat sa kanilang tungkulin para umayos ang bansa. Kris Jose

Facebook Comments