ANG PAGBABALIK. 110 panukala, inihain ni Bong Revilla sa Senado!

ADVERTISEMENT

Manila, Philippines – Taas-noong pinagmalaki ni Senator Bong Revilla na nakapag-file siya ng 110 panukala mula nang magbalik siya sa Senado noong July 1 matapos manalo sa nakaraang eleksyon.

“Umpisa pa lang po ‘yan, asahan niyong patuloy tayong gagawa ng mga makabuluhang batas para sa inyo at para sa ating bansa,” ani Revilla.

Kasama sa mga inihain niyang panukalang batas ang mga sumusunod:

  • Ang Senate Bill 294 o ang Eddie Garcia Law (An act providing for occupational safety and health standards for the workers and talents in the movie and television industry)
  • Senate Bill 71  An act providing for a P125 daily across-the-board increase in the salary rates of employees and workers in the private sector and for other purposes)
  • Senate Bill 72 (An act lowering the mandatory and optional retirement age of government employees),
  • Senate Bill 298 (An act requiring all national, regional and provincial government hospitals to establish, operate and maintain a dialysis ward or unit in their respective hospital and providing free dialysis treatment to indigent patients),
  • at Senate Bill 457 (An act declaring January 22 of every year as a special working holiday to be known as National Farmer’s Day) ang anim sa 110 panukalang isinusulong ni Bong sa Senado.
  • ang paglikha sa Sangley Point sa Cavite City bilang International Logistics Hub;
  • value-added tax exemption sa mga gamot para sa mental health conditions;
  • retirement benefits para sa mga barangay officials;
  • paglikha ng permanenteng posisyon para sa disaster officer sa bawat local government unit
  • paglikha ng Books for the Barrios Program;
  • at ang pagbuo ng on-site, in-city resettlement program para sa mga informal settler

READ: Taas-sahod, retirement benefits sa brgy officials, OFW hospital, at iba pang pet bills itutulak ni Revilla

Matatandaang naging masigasig ang senator na kumbinsihin ang taungbayan na hindi lamang siya pambudots, kundi ay magtatrabaho siya sa Senado kapag ka naluklok na ito.

Facebook Comments