IWAS TRAPIK DAW? 4-day work week, itinutulak ulit sa Kamara.

ADVERTISEMENT

Manila, Philippines – Muling itinutulak sa Kamara ang 4-day work week scheme na anglalayong mas pagyamanin pa ang competitiveness at work efficiency ng isang manggagawa sa trabaho.

Isa pang layunin ng panukala ang pagbawas sa nararanasang trapiko sa Metro Manila sa pamamagitan ng compressed work week.

Nauna nang naaprubahan ng dalawang kapulungan ng kongreso ang panukala noong 17th congress pero hindi naisabatas dahil sa hindi pagkakasundo sa magkabilang bersyon ng Senado at Kamara kaya muli itong inihain ni Baguio City Representative Mark Go ngayon sa 18th Congress.

Paniniwala ni Rep. Go na mas makatutulong ito ng malaki para maibsan ang traffic kumpara sa isinusulong na ban sa provincial buses sa EDSA

Facebook Comments