DROGA SA MAKATI. Pusher na may granada, bala, at 102 sachet ng shabu, arestado ng PNP!

ADVERTISEMENT

Makati – Arestado ang isang umanoy tulak ng iligal na droga sa Makati matapos na makuhanan ng droga, granada at mga bala.

Sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Jeson Vigilla ng Makati Police naaresto ang suspek na kinilalang si Edgar Manansala sa kanyang bahay sa Guiho St., Barangay Cembo sa Makati City.

Nag-ugat ang operasyon sa inilabas na warrant of arrest sa sala ni Hon Judge Selma Palacio Alaras ng RTC-Branch 63 ng Makati Hall of Justice laban sa suspek.

Sa paglusob ng otoridad, nasamsam mula sa suspek ang 102 pirasong sachet ng shabu na may street value na P80,000, isang granada, at mga bala.

Arestado rin ang isa pang kasamahan ng suspek. Cesar Morales

Facebook Comments